Ano ang kahulugan ng tsubibo? Answer: Ang tiyubibo1 o tsubibo2 (Ingles: carousel, carrousel, o merry-go-round) ay isang sasakyang pangkatuwaan at libangan na binubuo ng isang bilog at umiikot na kalatagan o plataporma at mga upuang pampasahero. Karaniwang yari ang mga upuan o sakayan sa anyo ng mga kahoy na mga kabayo o ibang pang mga hayop, na kadalasan ding kumikilos pababa at pataas bilang paggaya sa pagtakbo ng kabayo habang sinasaliwan ng tuluy-tuloy na musikang pang-sirkus. Karaniwang matatagpuan ito sa mga karnabal o kapag may peryahan tuwing kapistahang bayan. Karaniwang may mga "kabayo" ang mga tiyubibo bagaman mayroon ding aso, pusa, kuneho, baboy, usa, at iba pa. Mayroon din namang may mga tiyubibong nilagyan lamang ng mga katulad ng pangkaraniwang mga upuan.3 Maaaring tawaging tiyubibo ang anumang mga umiikot na kalatagan. Sa isang palaruan ng mga bata, mayroong mga tiyubibong payak lamang at naitutulak ng mga naglalarong bata. Mayroong mga hawakan o ...